Lalaki, patay nang masagasaan ng float sa Gion Matsuri parade

Namatay ang isang 54-taong-gulang na lalaki matapos siyang masagasaan ng isang float habang nakikilahok sa isang parada ng Gion Festival sa Usuki, Oita Prefecture, noong Biyernes ng gabi. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Gion Festival

USUKI, Oita

Namatay ang isang 54-taong-gulang na lalaki matapos siyang masagasaan ng isang float habang nakikilahok sa isang parada ng Gion Festival sa Usuki, Oita Prefecture, noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa pulisya, si Tatsuhiko Kawamura, isang caregiver at residente ng lungsod, ay nasagasaan ng isa sa dalawang float na tinutulungan niyang paandarin sa panahon ng popular na pagdiriwang ng tag-init bandang 8:20 p.m. Siya ay dinala sa ospital kung saan namatay ng Sabado ng umaga.

Sinabi ng mga organizer ng matsuri na sa oras ng aksidente, ang dalawang float, na may timbang ng ilang tonelada bawat isa, ay mabilis na umandar sa kahabaan ng kalye. Si Kawamura ay nasa harap upang tulungang itulak ang float ng siya ay nawalan ng balanse at natumba ito, saka siya nasagasaan ng float.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund