FUKUOKA
Ang pulisya sa Kama, Fukuoka Prefecture, ay inaresto ang isang 45-taong-gulang na lalaki sa pagpatay ng kanyang 69-taong-gulang na ina matapos ang isang argumento tungkol sa kung ano ang kanyang lulutuin para sa hapunan.
Ayon sa pulisya, si Noritaka Kuroki, walang trabaho, ay inakusahan ng pag-saksak sa kanyang ina na si Fusae sa kanilang bahay bago mag alas 3 ng Martes, iniulat ng Sankei Shimbun. Nakarinig ang kapitbahay ng mga sigaw at tumawag sa 110.
Dumating ang pulisya at natagpuan si Fusae na nakahiga sa sahig ng living room na may saksak sa leeg. Nasa loob din si Kuroki ng silid, na hawak hawak pa ang duguan na kutsikyo. Ang biktima ay nakumpirma na patay on the spot.
Sinabi ng pulisya na inamin ni Kuroki ang pagpatay sa kanyang ina at sinabi na nawalan siya ng pasensya sa sobrang galit pagkatapos na magkaroon ng argumento sa kung ano ang lulutuin para sa hapunan sa gabing iyon.
© Japan Today
Join the Conversation