Ang Central Japan Railway Co. ay nagsagawa ng isang test run noong Miyerkules para sa press ng kanilang bagong shinkansen bullet train na pinapatakbo ng mga baterya, ito ay ang pinaka-una sa mga high-speed train sa buong mundo.
Sinabi ng JR Central na inaasahan nito na ang teknolohiya ay magiging kapaki-pakinabang sa mga emerhensiya katulad ng ma-stranded ang train o ma-stuck sa tunnel o sa mga tulay. Ang shinkansen na pinapatakbo ng baterya ay maaaring magpatuloy na umandar mag-isa patungo sa pinakamalapit na istasyon.
Ang train ng N700S, na magde-debut sa Hulyo 2020, ay maaaring magdala ng mga baterya sa underside ng mga karwahe nito dahil sa nabawasan na ang laki ng iba pang mga teknolohiya at kagamitan.
Ang test run ay ginanap para sa media sa isang railyard sa Mishima, Shizuoka Prefecture.
© KYODO
Join the Conversation