Japan at China fashion show, tampok ang mga tradisyonal na kasuotan

Kasuotang tradisyonal ang binigyan ng pansin ngayon ng Japan-China Fashion Show.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan at China fashion show, tampok ang mga tradisyonal na kasuotan

Mahigit 200 Hapon at Tsino ang naki-bahagi sa fashion show sa Tokyo na nag-tatampok ng mga tradisyonal na pananamit mula sa 2 bansa.

Mahigit 400 katao ang nanuod sa parada ng mga modelo na naka-suot ng pang-kasal na Kimono. Nakita rin nila ang kasuotan ng mga bata para sa Shichi-Go-San Festival kapag sila ay tumuntong ng 7-5-3 taong gulang.

Naka-display din ang “Hakama” na panlalaki kasuotan at ang crested kimono na kung tawagin ay “Montsuki”. Nag-suot nang makukulay na kimono na mayroong mahahabang manggas.

Ang mga modelong Tsino naman ay nag-suot ng mga tradisyonal na damin ng Tsino mula pa nuong Han, Tang at Ming Dynasty.

Sinabi ng isang 60 anyos na manunuod na nais niyang mag-suot ng tradisyonal na damit ng Tsino.

Sinabi naman ng isang bisitang Tsino na pulido ang pagkaka-gawa ng mga Kimono, at nais niya na sama magkaroon din ng ganitong event sa China.

Isa sa mga organizer ng show na si Yoshie Tanaka ay humahangad na mapag-tibay ang pag-uunawa ng kultura ng dalawang bansa.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund