Japan: Ang pagkontrol sa pag-export ay batay sa mga panuntunan ng WTO

South Korea - ang paghihigpit ng Japan sa exportation ay kontra sa International Trade Rules

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan: Ang  pagkontrol sa pag-export ay batay sa mga panuntunan ng WTO

Sinabi ng Japan na ang pag kontrol ng bansa sa pag-export ng mga high-tech na materyales sa South Korea ay nakabatay sa mga patakaran ng World Trade Organization.

Plano ng mga opisyal ng gobyerno ng Japan na ipaliwanag ang dahilan ng mga paghihigpit na gagawin sa isang pagpupulong ng WTO na nagsimula  na noong Lunes sa Geneva.

Ang South Korea ay nais na mapag-usapan ang isyu sa kumperensya. Malamang na sasabihin ng Seoul sa mga opisyal ng WTO na ang paghigpit ng Japan ay kontra sa mga panuntunan sa internasyunal na kalakalan.

Sinabi ng pamahalaan ng Japan na kailangan ang panukalang-batas upang matiyak ang pambansang seguridad. Sinabi rin ng gobyerno na “natagpuan ang ilang mga sensitibong item na nai-export na sa South Korea na may hindi sapat na pamamahala ng mga kumpanya.” Sinabi ng Tokyo na ang mga materyales na pinag-uusapan ay maaaring gamitin para sa mga layuning militar.

Ipinaliwanag ng Seoul na lumalabag ang Japan sa mga panuntunan ng WTO. Ngunit sinabi ng Japan na ang mga paghihigpit ay pinahihintulutan dahil pambansang seguridad.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund