KOBE
Inaresto ng pulisya ng Kobe ang isang 51-taong-gulang na lalaki noong Miyerkules dahil sa suspetsa ng pagtatangkang pagpatay sa kanyang 15-taong-gulang na anak na lalaki ng ito ay saksakin nya ng tinidoe sa dibdid sa kanilang tahanan.
Ayon sa pulisya, inamin ni Hiroyuki Matsushima, isang empleyado sa isang kumpanya pagsaksak ng tinidor sa kanyang anak ngunit tinanggihan na nais nya itong patayin.
Sinabi ng pulisya na nangyari ang insidente sa bahay ni Matsushima sa Nishi Ward mga 4:20 p.m. noong Hulyo 21. Ikinuwento ni Matsushima sa pulis na siya at ang kanyang anak ay nasa sala habang sila ay nagtatalo tungkol sa kanyang mga takdang aralin sa paaralan. Sinabi ni Matsushima sa pulis na hindi sya nakapagtimpi ng galit at kinuha ang isang tinidor na nasa harap niya saka ito sinaksak.
Sinaksak ni Matsushima ang kanyang anak sa kaliwang bahagi ng dibdib nito ng malalim, sapat upang umabot sa baga ng bata. Dinala ang bata sa ospital kung saan sinabi ng mga doktor na ang kanyang pinsala ay aabot ng 2 buwan para gumaling.
Nakipag-ugnayan ang ospital sa isang child welfare center matapos makita ang sugat ng bata at ang child welfare center naman ay nakipag-ugnayan sa pulisya.
Nakatira si Matsushima kasama ang kanyang asawa at anak. Sinabi ng pulisya na ang kanyang asawa ay nasa tahanan ng maganap ang pag-atake.
Source: Japan Today
Image: Photo Stock
Join the Conversation