Isang lalaki ang dinampot ng pulis dahil sa pag-tusok nito ng payong sa isang lalaki

Arestado ng mga pulis ang isang lalaki na nanusok ng payong sa mga isang pedestrian.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Takuo Arakawa (Twitter)

TOKYO (TR) – Inaresto ng mga Tokyo Metropolitan Police ang isang 47 anyos dahil sa panunusok umano nito gamit ang isang payong sa isang lalaking nag-lalakad sa sentro ng harapan ng JR Meguro Station nitong simula ng buwan, mula sa ulat ng Fuji News Network nuong July 23.

Bandang alas-8:40 ng gabi nuong July 4, si Takuo Aratawa, residente sa Minato Ward sa Tokyo, ay gumamit umano ng payong upang tusukin ang kanyang mga biktima. Isang empleyado ng isang consulting company ay natusok sa kanyang mata habang ito ay nag aantay ng taxi sa kalsada sa harapan ng istasyon.

Si Arakawa na inakusahan ng attempted murder ay itinatanggi ang mga akusasyon laban sa kanya. “Dahil sa alitan na nangyari, maaaring natamaan siya ng payong”ani umano ng suspek sa mga pulis.

Sinabi ng pulis nuong nakaraan na may posibilidad na hindi na maka-kita ang isang mata ng biktima. Matapos ang insidente, tumakas na sa lugar ng pinangyarihan ang suspek. “Hindi ko siya kilala.”sinabi ng biktima sa mga pulis.

Nuong umaga ng Martes, ni-raid ng mga pulis ang bahay ni Arakawa at kinuha ang ilang payong.

Naging person of interest si Arakawa matapos imbestigahan ang kuha ng security camera sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund