AKITA (TR) – ini-imbestigahan ngayon ng Akita Prefectural Pulis ang pinag-hihinalaan kaso ng pagpapa-tiwakal ng isang lalaking guro matapos itong tumalon mula sa bubong ng isang paaralan sa Semboku City nuong Lunes, ulat ng Fuji News Network (July 22).
Bandang ala-6:30 ng umaga, isang staff member ang tumawag sa mga pulis matapos makitang naka-bulagta sa lapag malapit sa building campus ng public junior high school ang lalaki at duguan ang ulo.
Pinaniniwalaang guro nang nasabing paaralan at nasa 40 anyos, kalaunan ang lalaki ay kinunpirmang wala ng buhay ng ospital kung saan ito dinala, ayon sa pulis.
Natagpuan ng mga opisyal ang isang sapatos sa bubungan ng paaralan na maaaring pag mamay-ari ng lalaki, na nag-bigay daan sa pinaniniwalaan ng nga pulis na intensyon talaga nitong tumalon mula sa gusali upang magpa-tiwakal.
Nuong Lunes ang huling araw sa paaralan bago tuluyang mag-bakasyon sa tag-init. Ngunit pansamantalang isasara ang paaralan dahil sa nangyaring insidente.
Source: Tokyo Reporter
Image: Photo Stock
Join the Conversation