Share
KANAGAWA (TR) – inaresto ng Kanagawa Prefectural Police ang isang Chiropractor dahil sa umano’y pang-momolestiya nito sa isang babaeng pasyente sa kanyang klinika sa lungsod ng Yokohama, mula sa ulat ng Fuji New Network (July 24).
Nuong July 2, si Shuichi Miyazaki, direktor ng Karada Rehabilitation na nasa Isogo Ward di umano ay hinipuan ang katawan ng 53 anyos na pasyente nitong babae habang nasa treatment.
Inakusahan ng mga awtoridad si Miyazaki ng pag-gawa ng mga malisyoso at bastos na gawain.
“Sinunuod ko lang ang kanyang kagustuhan at saka minasahe.” sinabi umano ni Miyazaki sa mga pulis habang itinatanggi ang mga alegasyon sa kanya.
Source: Tokyo Reporter
Image: Photo Stock
Join the Conversation