SAPPORO- inaresto ng mga pulis sa Sapporo ang isang 24 anyos na caregiver dahil sa hinalang malubhang pang-aabuso sa 35 anyos na lalaki sa loob ng tahanan nito sa petsang nasa pagitan ng ika-19 ng Hulyo at ika-20 ng Hulyo.
Ayon sa mga pulis, ang suspek na si Koji Ota, na nag-tatrabaho sa isang nursing care service company na nagpa-padala ng mga caregiver sa mga bahay ng mga taong may kapansanan upang pansamantalang manirahan dito at maalagaan ang mga ito, mula sa ulat ng Hokkaido Media nuong Martes.
Si Ota ay ipinadala sa tahanan ni Shigeki Yamashita sa Higashi Ward. Sinabi ng pulis na sa pagitan ng 5:50 ng hapon nuong July 19 hanggang alas-7:30 ng umaga nuong sumunod na araw ay ilang beses na pinag-susuntok at pinag-sisipa ni Ota si Yamashita sa mukha at dibdib.
Isang caregiver pa ang bumisita sa tahanan ni Yamashita bandang alas-8:45 ng umaga nuong July 20 upang pumalit kay Ota, nakita nitong walang malay si Yamashita. Ang huli ay agad na dinala sa ospital kung saan ito ay binawian rin ng buhay dahil sa cerebral hernia. Ipinaalam kaagan ng mga taga-ospital tungkol sa kasona, ito ay maaaring naka-tanggap ng pag-mamalupit dahil sa mga tinamong mga sugat at pasa sa katawan.
Sinabi ng mga pulis na umamin naman si Ota sa mga paratang sa kanya at nag-sabi ito na siya ay nagalit at binugbog niya si Yamashita dahil ayaw nitong matulog.
Source: Japan Today
Image: Photo Stock
Join the Conversation