(Twitter)
NAGOYA- ang 78 anyos na ginang ay nalunod nang ito ay mahulog umano ito sa isang maliit na sapa sa Nagoya nuong Sabado ng hapon.
Ayon sa mga pulis, isang lokal na residente ang nag-punta sa sapa sa Tenpaku Ward upang mangisda, ang umalerto sa mga awtoridad bandang alas-4:15 ng hapon na ang walker (isang instrumento na ginagamit ng isang matanda o may kapansanan.) Na pag mamay-ari ng isang matadang babaeng taga-ruon ay nasa gilid ng sapa, ngunit wala duon ang matanda, ulat ng Sankei Shimbun.
Sinisid ng mga diver ang sapa at nakita ang katawan ng isang babaeng palutang-lutang, ito ay si Wakako Kubo. Abg matanda ay agad na dinala sa pinaka- malapit na pagamutan ngunit kalaunay idineklara rin wala ng buhay.
Paniniwala ng mga pulis ay naglalakad sa tabi ng sapa si Kubo nang siya ay mawalan ng balanse at mahulog sa sapa. Ang pinag-hulugan nang matanda ay may lalim na mahigit 1.3 metro.
Source: Japan Today
Image: Twitter
Join the Conversation