Ipinahayag ng Instagram na bumuo ito ng mga bagong tools upang mapigilan ang cyber bullying.
Ang pinuno ng Instagram, si Adam Mosseri, ay nag-post ng isang pahayag noong Lunes na nagsasabing dalawang mga panukalang ipapatupad.
Ang AI-powered feature ay magpapakita ng babalang mensahe na “Sigurado ka bang gusto mong i-post ito?” kapag sinusbukang mag-post na may mapang-abusong mga komento, tulad ng “ikaw ay pangit at bobo.”
Ang kumpanya ay naniniwala na ang sistema ay maghihikayat sa mga tao na tumigil at isaalang-alang muna ipo-post bago ang aktwal na pag-post ng mga offensive na mensahe.
Ang kumpanya ay maglalabas sa lalong madaling panahon ng isa pang anti-bullying tool na tinatawag na “Restrict”. Ito ay magpapahintulot sa mga gumagamit na gumawa ng mga nakakasakit na mga mensahe na makikita lamang ng taong nag-post ng mga ito.
Ipinaliwanag ni Mosseri na ang kumpanya ay nakarinig ng hinaing mula sa mga kabataan na sila ay nag-aatubili upang harangan, i-unfollow, o i-report ang kanilang panunuya, sapagkat maaaring makalala pa ito ng sitwasyon. Sinabi niya, “responsibilidad naming lumikha ng ligtas na environment sa Instagram.”
Ang mga pinakabagong tampok ay magagamit sa wikang Ingles. Ang mga ito ay naka-iskedyul na ilalapat sa iba pang mga wika sa pagtatapos ng taon.
Ang online bullying o pag-post ng mapoot na pananalita at iba pang mga nakababahalang komento ay naging isang malubhang isyu sa lipunan.
Source:
Join the Conversation