Ang tunog ng mga kalalakihang umaawit ng ritwal habang bitbit ang malaki at maraming palamuting float ang sinyales ng climax ng Hakata Gion Yamakasa festival. Ang bawat float ay may bigat na isang tonelada.
Ang taunang kapistahan tuwing tag-init ay umabot na sa climax sa southwestern na siyudad ng Fukuoka nitong umaga ng Lunes.
Ang bawat grupo ay naka-suot ng happi coats ay nagtumpukan paikot sa starting point sa Kushida Shrine nang madaling araw ng Lunes.
Ang unang grupo ay inumpisahan ang ritwal sa grounds ng shrine bandang alas-4:59 ng umaga, pinaikot-ikot nito ang isang bandila habang kumakanta ng celebratory song.
Matapos nito ay tumakbo na ang mga ito sa 5 kilometrong course habang bitbit ang isang malaking float sa kanilang balikat. Sumunod naman ang iba pang mga grupo.
Sinabuyan naman ng mga manunuod ng tubig ang mga kalalakihang may bitbit ng float habang ichini-cheer ang mga ito sa buong performance ng mga ito.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation