Isang mamahaling bugkos ng ubas ang nakapag-tala ng record price na 1.2 milyon yen, o aabot sa halagang 11,000 dollars, mula sa pinaka-unang auction nitong season na isinagawa sa Ishikawa Prefecture sa Sea of Japan Coast.
Abg auction ng “Ruby Roman” na uri ng isang ubas ay isinagawa sa Kanazawa City nitong Martes lamang.
40 bugkos ang ipina-auction. Ito ay mahigpit na sinuri upang makapasok sa criteria na sukat ng nilalaman nitong asukal at laki.
Ang pinaka-mataas na bid sa isang kumpol ng 24 bugkos ubas ay mula sa isang operator ng hot spring inns sa loob ng prepektura. Ang bawat bugkos ay nagkaka-halaga ng mahigit 450 dolyares.
Takashi Hosokawa, ang manager ng isa sa mga inns, ang nag-sabi na siya ay nakaramdam ng ginhawa dahil ang operator ay nakapag-bid ng pinaka-mataas na halaga ngayong taon ng Reiwa Era. Ang masasarap na ubas ay ihahain niya sa kaniyang mga kostumer.
Ang uri ng ubas na Ruby Roman ay nadevelope sa nasabing prepektura at una nang pumatok sa pamilihan nuong taong 2008. Ang mga producers nito ay planong mag-ship ng 26,000 bugkos ng ubas bago matapos ang season ngayong huling bahagi ng Septyembre.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation