Sinabi ng Facebook na balak nitong bawasan ang konteksto sa kanilang site na maaring luminlang at nagpapakitang gilas lamang sa usaping health claims.
Sinabi ng social media giant nuong Martes na gagamit sila ng key words upang matarget ang mga lumalaganap na balita ukol sa Miracle Cure at gamot panpa-payat.
Ang Facebook at iba pang mga social media sites ay tipikal na nag-didisplay ng mga mensahe at ads base sa datos na kanilang nakolekta mula sa interest ng mga users.
Ngunit sinabi ng opisyal ng Facebook na marami ang nagpo-post tungkol sa sakit tulad ng cancer treatment o mga benepisyong nakukuha sa ilang mga pagkain na wala namang sapat na batayan.
Ani nila ang pag-babawas ng ganitong konteksto sa kanilang site ay maka-tutulong sa mga user na maka-iwas at hindi malinlanh sa maling impormasyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation