Tumaas ang posibilidad na magkaroon ng landslides at pag-babaha ng ilang parte sa kanlurang bahagi ng bansa.
Nag-issue ang mga lokal na pamahalaan ng mga kautusan sa pag-likas sa parte ng prepektura ng Hiroshima at Fukuoka, kung saan aabot ng mahigit na 111,000 katao ang maaapektuhan.
Sa prepektura ng Hiroshima, pinag-sabihan na ng mga awtoridad ang halos 54, 000 residente sa lungsod ng Hiroshima at Hatsukaichi na lumikas.
Sa prepektura ng Fukuoka sa hilagang bahagi ng Kyushu, nag-issue na ng evacuation orders para sa mga parte ng lungsod ng Kurume at Asakura pati na rin ang buong lungsod ng Chikuzen. Ang kautusan ay sumasakop ng mahigit 57,000 residente.
Ang mga munisipalidad ay nananawagan sa mga tao na kaagad na lumikas.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation