TOKYO- ang dating Emperor Akihito ay panandaliang dumanas ng cerebral anemia nitong nakaraang linggo, kung kaya’t ito ay napilitang ipag-liban muna ang kanilang regular na pagpapa-tingin sa kanilang kalusugan, ayon sa Imperial Household Agency nuong Martes.
Ayon sa ahensya, ang 85 anyos na Emperor Emiritus ay nabawi na ang kanyang kalusugan mula nang siya ay nakitang namimilipit sa sahig nuong gabi ng Huwebes sa kanilang tahanan sa Tokyo habang kumakain ng hapunan.
Ang dating Empress Michiko ay agad na tumawag ng doktor, sinabi ng ahensya. Dinagdag rin nito na maaaring napagod ito dahil sa isang buong linggong pagpapa-check up na sinimulan ng mag-asawa nuong ika-9 ng Hulyo.
Ang dating Emperor na bumaba sa pwesto nuong katapusan ng Abril, ay ipinagpa-liban ang kanyang iskedyul sa pagpapa-tingin ng kanyang kalusugan nitong nakaraang Biyernes ng hapon, ani nito.
Napilitan rin siyang suspendihin ang kanyang mga tungkulin nuong Hulyo nang nakaraang taon matapos makaranas ng pagka-hilo at pag-susuka sanhi ng cerebral anemia.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation