Binabalaan ng mga Japanese Health Authorities ang mga taong babyahe patungong Central Africa na umiwas sa mga lugar kung saan mayroong naiulat na kaso ng Ebola
Ang nasabing sakit na mataas ang mortality rate ay kumakalat kapag ang mga tao ay nagka-contact sa body fluids ng isang pasyenteng may sakit nito.
Isang outbreak sa Democratic Republic ng Congo ang kumitil sa mahigit 1,600 katao mula pa nuong nakaraang Agosto, karamihan dito ay sa probinsya ng North Kivu. Nitong buwan lamang, isang babae na naglakbay sa karatig lugar sa Uganda ay napag-alaman na nahawa nang nasabing sakit.
Nuong Miyerkules, idineklara ng World Health Organization (WHO) na ang paglaganap ng epidemyang sakit na Ebola ay isang International Health Emergency.
Hinihikayat ng Health Ministry ng Japan ang mga bisita o turista sa Congo at Uganda na gumawa ng precaution tulad ng pag-iwas mula sa mga patay na hayop at umiwas din sa mga hilaw na karne.
Ang mga manglalakbay na bumyahe mula sa mga nabanggit na lugar patungong Japan ay sinasabihan na mag-report sa kanilang Health Quarantine Authorities kung nakaramdam ng pagbabago sa kanilang kalusugan sa loob ng 3 linggo mula ng kanilang pag-dating sa bansa.
Source: NHK World Japan
Image: BBC News
Join the Conversation