Ang bilang ng mga empleyado sa bangko ng Japan ay bumagsak ng 3,629 sa isang taon period hanggang Marso 31. Ito ang pinakamalaking pagbaba mula noong 2006 nang nabuo ang tatlong pangunahing financial groups, ang Mitsubishi UFJ, Sumitomo Mitsui at Mizuho.
Ayon sa isang kumpanya ng mananaliksik, ang bilang ng mga empleyado na kabilang sa 81 na bangko sa Japan ay may bilang na 223,778 hanggang sa katapusan ng Marso.
62 sa mga bangko, o mga 80% ng kabuuan, ay nagbawas ng bilang ng kanilang mga empleyado.
Ang teknolohiyang digital ay nagpapahintulot sa mga bangko na i-streamline ang kanilang mga operasyon at i-automate ang pagproseso ng isang malaking halaga ng data.
Ang isang lumalagong bilang ng mga bangko ay din nagsasara din ng kanilang mga branches, dahil sa pag konti ng walk-in na mga customer dahil sa pag-uso ng Internet banking.
Ayon kay Nana Otsuki, punong analyst sa Japan online securities firm na Monex, ay nagsabi na ang conventional business model na naka-depende sa labor upang makakuha ng profit ay sumasailalim ngayon sa period of transition. Sinabi niya na ang trend ay nagsimula na, at malamang na mas mapapabilis pa.
NHK World
Join the Conversation