CHIBA, Japan (Kyodo) — Ilulunsad ng Tokyo DisneySea sa Tuesday next week ang isang bagong flight simulator attraction kung saan ang mga bisita ay maaaring makalipad sa mga sikat na world landmarks katulad ng Great Wall of China at Egyptian pyramids.
Ang five-minute ride ay tinatawag na “Soaring: Fantastic Flight” na magkakaroon din ng tampok tulad ng African savannah at tropical seas. Mararamdaman ang hangin at mga amoy ng lugar na mag synchronized sa mga visuals upang makabuo ng isang kapani-paniwala na experience.
Ang bagong attraction ay ipinakita sa media noong Wednesday bago pa ito magbukas.
Bagamat may mga katulad na ganitong rides sa Disney theme parks sa ibang bansa, ang attraction sa Tokyo DisneySea ay “mag-feature ng nga bagong scenes at visuals na exclusive lamang sa park sa Japan,” katulad ng view sa skies ng Tokyo, ayon sa operator na Oriental Land Co.
Mahigit 18 billion yen ($166 million) ang ginastos para sa bagong attraction.
Ang “Song of Mirage,” ay isang bagong live performance show na featuring si Mickey Mouse at iba pang Disney characters na sumasayaw na may backdrop na projection mapping, ay ilulunsad din next Tuesday.
Source: Japan Today
Join the Conversation