SAITAMA (TR) – inaresto ng Saitama Prefectural Police ang 26 anyos na Vietnamese national matapos ang isang saksakan na naganap sa Kuki City nuong Sabado na nag-iwan ng isang patay at isang sugatan, ulat ng TV Asahi.
Pasadong alas-10:00 ng gabi, isang lokal na residente ng Shobucho area ang tumawag sa mga pulis at nag-sabi na “may mga dayuhang nasaksak” sa isang residente duon.
Isang lalaking biktima na pinaniniwalaang Vietnamese national na nasa 20 anyos ang edad at nuoy kasalukuyang walang malay, ay agad na isinugod sa pagamutan. Ito ay kinalaunang kinumpirmang wala ng buhay ng mga pulis.
Ang ikalawang lalaking biktima na pinaniniwalaang Vietnamese national rin na nag-eedad ng 26 anyos ay nag-tamo ng delikadong pinsala sa kanyang tiyan.
Matapos ang insidente ay agad naman tumakas ang suspek. Ngunit nuong Lunes, siya ay agad nahuli ng mga awtoridad. Ang suspek na kinilalang si Ton That Douong ay inaresto dahil sa hinalang pagtangkang pag-patay gamit ang patalim ng 26 anyos na biktima.
Hindi pa malinaw kung ano ang relasyon ng biktima sa suspek, at inamin naman ng suspek na siya nga ay gumamit at tumutok ng patalim sa biktima sa lugar na pinangyarihan ng krimen.
Sa kasalukuyan ay patuloy na nag-iimbestiga ang mga pulis kung dapat bang gawing murder ang kaso.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation