Ang mga naka-box na pagkain na ibinebenta sa mga istasyon ng tren sa Japan ay mabibili na ngayon sa isang bagong tindahan sa Paris.
Ang Hanazen, isang kumpanya na gumagawa ng pagkain na “ekiben” sa Akita Prefecture, hilagang Japan, ay nagbukas ng outlet sa central Paris noong nakaraang Biyernes. Nagtatampok ang menu ng chicken-rice dish na pinakamabenta sa JR Odate Station sa Akita. Ang mga customer ay maaari ring bumili ng miso soup para sa kanilang mga pagkain.
Ang kumpanya ay nagtatag ng isang subsidiary sa Paris noong Nobyembre. Ang mga taga-Paris ay nakapag-sample ng ekiben cuisine sa mga preview events.
Ang tindahan ay kasalukuyang bukas sa oras ng pananghalian sa mga karaniwang araw. Ang Hanazen ay nagbabalak na mag-set up ng mga branches sa mga istasyon sa Paris.
Sinabi ni Hanazen President Shuichi Yagihashi na gusto niya na ang “ekiben” ay maging isang pamilyar na salita para sa mga European. Sinabi niya na nais niyang ipakita na kahit na isang maliit na kumpanya mula sa Akita Prefecture ay maaaring makilala sa buong mundo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation