Ang mga mang-gagawa sa Japan ay maaaring maka-kuha ng pag-taas ng sweldo matapos iusad ng Labor Ministry ang proposal na itaas ang sweldo per oras ng isang mang-gagawa.
Wala man itong kautusan mula sa batas, ito ay may tatak na ng approval ng gobyerno at ito ay ang pinaka-malaki sa talaan sa halagang 27 yen.
Sa Tokyo, ito ay maaaring maging lagpas 1000 yen ang magiging minimum hourly wage, ito ay aabot sa 9 dollars at 20 cents.
Ang pag-taas ay inaprubahan ng isang panel ng Labor Ministry alinsunod sa kasunduan sa pagitan ng Union at Management.
Bilan resulta, ang average ng sweldo per oras sa buong bansa ay iniestimang tataas sa 901 yen, aabot ng 8 dollars at 30 cents.
Ang pag-taas ng 27 yen ay pinaka-mataas sa talaan mula ng mag-compile ng hourly wage date nuong taong 2002 ang pamahalaan.
Ayon sa bagong benchmark, ang bawat lokal na pamahalaan ang mag-dedesisyon kung mag-kano ang magiging minimum hourly rate sa kanilang lalawigan.
Sinabi ng pamahalaan na ang kanilang layunin ay itaas ang average minimum wage sa 1000 yen sa buong bansa sa lalong madaling panahon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation