Sinabi ng Japan na plano nilang manghuli ng 227 na balyena sa pagitan ng mga buwan ng Hulyo at Disyembre.
Inanunsyo ng Fisheries Ministry ang 6 na buwang kota nuong Lunes bago maglayag ang mga barko upang ipagpatuloy ang commercial whaling sa unang pagkaka-taon sa loob ng 31 taon. Sinabi ng ministeryo na ang mga barko ay manghuhuli ng balyena sa loob lamang ng teritoryong karagatan ng bansa at sa eksklusibong economic zones.
Nuong Linggo, ang bansang Japan ay tumiwalag sa Whaling Commision
Ayon pa sa ministeryo ang plinanong pang-huhuli ay base sa IWC-approved method upang mapanatili ang resources, kahit na ang pang-huhuli ay magpa-tuloy ng isang siglo.
Sinabi ng Japan na sila ay naka-huli ng 637 balyena para sa pananaliksik sa kabuuan ng taong 2018. Ang bagong 6 na buwang kota na 227 ay nagsasalin sa isang taong pagba-bawas.
Ang bilang ay naka-set sa 150 Bryde’s Whale, 52 Minke at 25 Sei Whales.
Sinabi rin ng Fisheries Ministry na ito ay hindi umaasa sa malaking pagbabago sa bilang ng whale meat para sa pagkunsumo ng pagpasok sa distribution channels dahil ang malaking Bryde’s Whale ang may pinaka-malaking kota.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation