GIFU
Namatay ang isang 50-taong-gulang na lalaki na nakasakay sa bisekleta matapos siya ay mabundol sa kanyang likuran ng isang kotse sa isang tunnel sa Ena, Gifu Prefecture, noong Lunes.
Ayon sa pulis, ang aksidente ay naganap sa paligid ng 9:40 ng umaga sa tunnel ng dalawang-lane sa National Route 257. Sinabi ng pulisya na ang cyclist na si Tomoyuki Tsunogai, na nakatira sa Nagoya, ay nagbi-bisekleta kasama ang isa pang cyclist sa pagitan ng kalsada at isang lane nang siya ay mabubdol ng kotse. Siya ay dinala sa ospital kung saan siya ay namatay.
Ang 52-taong-gulang na kasamahan ni Tsunogai, na nakasakay sa unahan niya, ay sumemplang din sa kanyang bike at nagtamo ng sugat sa siko. Ang 27-taong-gulang na lalaki na nagmamaneho ng kotse ay hindi nasaktan.
Sinabi ng pulisya na si Tsunogai at ang kanyang kaibigan ay madalas magkasama sa pagbibisikleta na kadalasang naglalakbay sa malalayong lugar. Sila ay papunta sa Nagano Prefecture nang maganap ang aksidente.
© Japan Today
Join the Conversation