Ang mga organisador ng Olympic Games sa Tokyo 2020 ay nagsiwalat ng disenyo para sa mga medalya na ibibigay sa mga nanalo.
Isang seremonya ng pag-unveil ang ginanap sa Tokyo noong Miyerkules, eksaktong isang taon bago ang pagbubukas ng mga Games.
Ang mga medalya ay nagtatampok ng Nike, ang Greek goddess of victory, at ang opisyal na pangalan ng mga Games na nakasulat sa mukha, ayon sa itinakda ng International Olympic Committee. Ang reverse ay nagpapakita ng Tokyo Olympic emblem.
Ang disenyo ay simple, ngunit ang mga kurva sa iba’t ibang mga anggulo ay nagpapakita sa mga medalya ng three-dimensional at makintab tignan mula sa anumang direksyon.
Ang mga medalya ay gagawin mula sa mga recycled na metal na kinuha mula sa mga mobile phones at iba pang maliliit na elektronikong aparato.
Ang mga ito ay 85 millimeters ang lapad at may mga 12 millimeters na makapal, katulad ang mga ito sa dalawang nakaraang Summer Games sa London at Rio de Janeiro.
Ang gintong medalya ay may timbang na 556 gramo, ang 550 gramo ng silver at ang 450 gramo ng bronze. Sinasabi ng mga organizers na ang ginto at ang silver ay ang pinakamabigat sa kasaysayan ng Palarong Olimpiko sa Tag-init.
Nagtatampok ang mga ribbone para sa mga medalya sa mga kulay ng indigo at crimson ng mga Games ng Tokyo, at isang pattern ng checker na tinatawag na “ichimatsu”.
Plano ng organizing committee na magkakaroon ng kabuuang 2,500 na medalya sa katapusan ng Mayo sa susunod na taon.
Source: NHK News
Join the Conversation