19 anyos na lalaki, suspek sa pag-patay sa pamamagitan ng pananakal sa isang babae sa isang hotel

Isang 19 anyos na lalaki ang inaresto ng mga pulis dahil sa pagpatay sa isang babae sa loob ng isang hotel.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang lalaki nanakal umano ng isang babae sa isang hotel. (Twitter)

OSAKA (TR) – inaresto ng Osaka Prefectural Police ang isang 19 anyos na lalaki dahil sa pagnanakal nito sa isang babae sa isang hotel sa lungsod ng Osaka na siya naman naging sanhi ng pagkamatay ng huli, mula sa ulat ng Jiji Press (July 29,).

Bandang alas-10:00 ng gabi nuong Linggo, ang lalaki, isang mang-gagawa sa isang kampanya, ay nanakal umano ng isang babae na pinaniniwalaan na nag-eedad na 20 anyos sa loob ng isang kwarto ng apat na palapag na hotel na nasa Kita Ward.

Ang lalaking inaakusahan ng murder ay umamin naman sa kanyang nagawa. “Siya ay ang niligawan ko na kaklase nuong high school.”sinabi ng suspek sa Sonezaki Police Station. “Sinakal ko siya gamit ang lubid.”

Nuong sumunod na araw, nakita ng isang empleyado ng hotel ang lalaki sa balkunahe ng kwarto. Matapos tawagin ang pansin ng lalaki, sinabi nito na pinatay niya ang babae.

Nang dumating ang pulis sa lugar na pinangyarihan ng krimen,nakita nila ang babae na naka-higa sa kama at may marka sa leeg na nagsasabi na ito ay sinakal. Kalaunan ang babae ay kinumpirma nang walang buhay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund