Higit sa 17 milyong botante ang nagsumite ng mga balota bago ang halalan sa Upper House nitong Linggo ng hapon. Ito ay isang mataas na record para sa isang halalan sa upper chamber ng Diet.
Sinabi ng internal affairs ministry sa preliminary report nito na mga 17.06 milyong tao ang bumoto sa pagitan ng Hulyo 5 at Hulyo 20. Iyon ay 16 porsiyento ng mga karapat-dapat na botante.
Ang bilang ay higit sa isang milyon, o anim na porsiyento. Ito ay mas mataas kaysa sa nakaraang halalan sa upper house, noong 2016.
Tatlumpu’t walong prefecture ang nagtala ng pagtaas sa bilang ng mga unang botante, habang ang siyam na mga prefecture, kabilang ang Aomori at Toyama, ay bumaba naman ang bilang.
Sa mga prefecture, ang Tokyo ay may pinakamataaas na bilang ng mga botante, sa 1.73 milyon, na sinundan ng 1.09 milyon na Kanawaga at isang milyon sa Osaka.
Source: NHK World Japan
Image: Nikkei Asian Review
Join the Conversation