OITA
Ang pulisya sa Bungo-ono, Oita Prefecture, ay inaresto ang isang 40-taong-gulang na lalaki sa hinalang pagnanakaw ng damit pang-ibaba ng babae mula sa isang coin laundry.
Sinabi ng pulisya na noong kanilang hinanap ang tirahan ni Toru Adachi, isang empleyado ng kumpanya, noong Lunes, natagpuan nila ang mahigit sa 1,100 item ng mga underwear ng babae na nakasilid sa mga bag at mga futon case.
Si Adachi ay pinaghihinalaang nagnanakaw ng 10 panty mula sa isang coin laundromat sa Oita City noong Abril. Nakilala siya sa pamamagitan ng pag-susuri ng surveillance camera footage sa loob ng laundromat.
Sinabi ng pulisya na inamin ni Adachi ang pararang sakanya at pinag-aaralan ang koneksyon niya sa naiulat na sampung insidente ng panty-snatching sa lugar ngayong taon.
© Japan Today
Join the Conversation