Youtuber, sinentensyahan ng 2 taong pagkakabilanggo sa paggapos at pananakit ng kanyang asawa

Sinentensiyahan ng korte ang 44 taong gulang na YouTube content maker ng hanggang dalawang taon sa bilangguan noong Huwebes dahil sa pananakit at paggapos sa kanyang asawa sa kanilang tahanan matapos niyang malaman na ang kanyang asawa pala ang nagpo-post ng mga mapanlait na comment sa kanyang mga video na na-upload sa youtube.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Photostock

OITA

Sinentensiyahan ng korte ang 44 taong gulang na YouTube content maker sa timog-kanluran ng Japan ng hanggang dalawang taon sa bilangguan noong Huwebes dahil sa pananakit at paggapos sa kanyang asawa sa kanilang tahanan matapos niyang malaman na ang kanyang asawa pala ang nagpo-post ng mga mapanlait na comment sa kanyang mga video na na-upload sa youtube.

Pinagpasyahan ng Korte ng Distrito ng Oita na si Ryoma Katori ay malubhang nasaktan ang kanyang asawa noong Marso sa pamamagitan ng pagsuntok at pagsipa sa kanyang mukha ng maraming beses habang kinulong sa loob ng kanilang apartment nang nakagapos ang mga kamay at paa gamit ang adhesive tape.

Sa pagpataw ng sintensya, sinabi ni Judge Sadahiro Ariga na ang akusado  “ay dapat na bigyan ng kaukulang sintensya upang malaman na hindi dapat at tama ang ginitong aksyon kapag nawawalan ng pasensya.”

Ayon sa abugado ng suspect, si Katori ay nagsusumikap nang higit sa anim na buwan upang malaman kung sino ang nagpost ng mga negatibong komento, kabilang ang comment na “bobo” at “kalbo,” sa kanyang mga online na video noong Mars hanggang sa nalaman niya ang kanyang asawa ay inutusan ang isang kaibigan na mag-post ng mga mapanlait na komento.

Sinabi ng mga tagausig na ang defendant ay kumikita ng pera sa pamamagitan ng pag-post ng mga video sa YouTube ng mga leisure spots at restaurant sa Oita Prefecture.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund