Western Japan, nakakaranas ng torrential rain

Ang Japan Meteorological Agency ay nagbabala sa posibleng pagbaha at mudslides sa mga bahagi ng kanluran ng Japan, dahil ang rehiyon ay nakakaranas ngayon ng malakas na pag-ulan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: NHK World

Ang Japan Meteorological Agency ay nagbabala sa posibleng pagbaha at mudslides sa mga bahagi ng kanluran ng Japan, dahil ang rehiyon ay nakakaranas ngayon ng malakas na pag-ulan.

Ang mga opisyal ng panahon ay nagsabi na ang low pressure ng system ay nagiging sanhi ng hindi matatag na mga atmospheric condition sa iba’t ibang lugar.

Ang pag-ulan na umaabot sa 57 millimeters kada horas ay naitala noong Biyernes ng umaga sa isang punto sa western Japan.

Ang mga alerto sa mudslide ay inisyu sa ilang mga lugar sa mga prefecture ng Hiroshima, Shimane at Yamaguchi.

Sinabi ng mga opisyal ng panahon na ang hindi matatag na mga kondisyon ng atmospere ay inaasahang magpapatuloy hanggang Sabado.

Ang mga paulit-ulit na bagyo na nagdadala ng higit sa 50 millimeters ng ulan bawat oras ay maaaring tumama sa mga lugar sa kanluran at silangang Japan.

Hanggang sa 200 millimeters ng ulan ang maaaring bumuhos sa loob ng 24-oras hanggang Sabado ng umaga sa ilang bahagi ng Shikoku. Ang katimugang Kyushu, Kansai at Tokai regions ay makakaranas ng 120 millimeters ng ulan, habang ang hilagang Kyushu ay maaaring nasa 100 millimeters.

Binabalaan ng mga opisyal ang posibleng landslide, pag-overflow ng mga ilog, pagbaha sa mga mababang lugar, pag-kidlat at tornado.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund