Ang pulis na sinaksak sa Osaka Prefecture nitong umaga ng Linggo ay wala pa rin malay hanggang sa kasalukuyan.
Sinabi ng kasamahang pulis na ang ninakaw na baril ng officer ay may lamang mga bala. Sa kasalukuyan ay pinag-hahanap pa rin ng mga awtoridad ang salarin at pinapayuhan rin ang mga tao na huwag muna lumabas sa kanilang tahanan at siguraduhing naka-lock ang kanilang mga pintuan.
Ang 26 anyos na si Suzunosuke Kose ay natagpuan ng isang staff mula sa katabing istasyon ng tren na mayroong naka-saksak na kutsilyo sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib bandang alas-5:30 ng umaga sa harapan ng Senriyama Police box sa lungsod ng Suita.
Sinabi ng mga pulis na ang biktima ay nag-tamo ng maraming saksak sa kayang katawan at ang hook upang maiwasang makuha ang mga baril ng pulis ay nakita nilang naka-tanggal.
Sinabi ng mga imbestigador na 3 officers ang naka-duty overnight, ngunit ang 2 ay umalis upang responde sa isang tawag ukol sa nakawan na kalapit na lugar.
Suspetsa nila na inatake si Officer Kose nuong siya ay paalis na.
Sabi pa nila, na ang tawag ay mula sa isang pampublikong telepono at parang gawa-gawa lamang.
May nakuha silang footage mula sa surveillance camera nang isang lalaki na tinatantyang nasa edad na 30 anyos pataas na may kasuotang dark top, puting t-shirt at dark na pantalon at ito ay paikot-ikot sa police box.
Sisiyasatin ang kaso bilang pag-nanakaw at attempted murder.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation