Tokyo Star Bank susuportahan ang mga kabataan

Tokyo Star Bank, papayuhan ang mga batang nahihirapan sa pag-aaral tungkol sa pananalapi

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTokyo Star Bank  susuportahan ang mga kabataan

Ang Tokyo Star Bank ay nakikipagtulungan sa isang organisasyon ng pang kawanggawa upang tulungan ang mga kabataan na lumaki sa mga welfare center o mga foster homes na makakuha ng mas mataas na edukasyon. Ang opisyal na istatistika ay nagpapakita lamang ng 24 porsiyento lang  ang nakaabot sa mataas na edukasyon.

Ang Tokyo Star Bank ay nakkikipagtulungan sa Bridge for Smile, na dalubhasa sa pagtulong sa mga kabataan na lumaki sa mga kaguluhan.

Ang mga mag-aaral na matatanggap sa programa ay makakakuha ng  2,300 dolyar dalawang beses sa isang taon hanggang magtapos sila mula sa kolehiyo o unibersidad.

Ang mga Mentor mula sa Bridge for Smile ay magbibigay sa kanila ng regular na patnubay sa pang-araw-araw na buhay. Ang Tokyo Star Bank ay mag-aalok din ng payo tungkol sa pananalapi.

Sinabi ng Health Ministry na 25,000 bata ang nakatira sa mga pasilidad mula noon pang Oktubre 2017 dahil sa pang-aabuso o problema sa pananalapi.

Ang mga naturang bata ay dapat umalis sa  shelter sa edad na 18 at suportahan ang kanilang sarili. Maraming pakikibaka upang balansehin ang trabaho at pag-aaral, at makaranas ng hirap upang mabuhay.

Sinabi ng Tokyo Star Bank na inaasahan nito na matulungan ang mga taong magkaroong ng magandang buhay sa hinaharap.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund