Napapalapit na ang Tokyo Olympic. At madaming mga fans ang handa na at nakabili na ng kanilang mga ticket. Ngunit may mga importanteng restrictions na gustong iparating ang organizers ng Tokyo Olympic pagdating sa pagshare ng video at audio recordings sa venue.
Ayon sa nakasaad sa terms and conditions na nakasaad sa ticket, maaaring magrecord ng video at audio sa loob ng venue as long as personal use lamang ang mga ito. Subalit bawal i-share ito sa social media ng walang pahintulot ng International Olympic Committee.
Ang mga photos naman o larawan ng event ay maaaring i-post sa social media.
Ang dahilan ng pag-ban ay upang ma-prioritize ang intellectual property right.
From the terms and conditions:
“However, ticket holders can not record the videos and sounds taken or recorded at the venue and transmit it to television, radio, internet (including social media and live streaming etc.) and other electronic media.”
and other electronic media, including forms which are not currently in existence.”
Source: Yahoo Sports
Join the Conversation