Survey: Mga singles sa Japan nahihirapang humanap ng partners

Ipinapakita sa isang survey ng gobyerno na halos kalahati ng mga single sa bansang Japan na gustong magpakasal ay hindi nakakahanap ng partners. Ngunit ito rin ay nagpapakita na higit sa 60 porsiyento ng mga ito ay walang ring ginagawang hakbang upang makahanap ng partner.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Photostock

Ipinapakita sa isang survey ng gobyerno na halos kalahati ng mga single sa bansang Japan na gustong magpakasal ay hindi nakakahanap ng partners. Ngunit ito rin ay nagpapakita na higit sa 60 porsiyento ng mga ito ay walang ring ginagawang hakbang upang makahanap ng partner.

Inaprubahan ng Gabinete ang report ngayong taon sa mababang birthrate ng bansa. Ang report ay naglalaman ng mga resulta ng isang survey na ginanap noong nakaraang Disyembre na sumasaklaw sa 3,980 na mga kalalakihan at kababaihan na nasa kanilang 20s hanggang 40s na nais na magpakasal.

Tinanong sila kung bakit nananatili silang walang asawa, 46.8 porsiyento ng mga respondent ang nagsabi na hindi nila mahanap ang natitipuhan nilang partner. Sinundan ito ng 26.6 porsiyento na nagsasabing wala silang sapat na pera upang magpakasal.

61.4 porsiyento ng mga sumagot na nagsabing hindi nila mahanap ang kanilang tipo ng partner ay nagsiwalat na wala silang partikular na ginagawa upang makahanap. Umabot sa 72.5 porsiyento sa mga lalaki na sumagot ay nasa kanilang 20s.

Ang report ay dunating sa konklusyon na dapat bigyan ng maraming oportuidad ang mga adults na  makalahok sa iba’t ibang mga event sa kanilang mga kumpanya at iba pang mga parties, upang magkaroon ng pagkakataong makahanap ng kanilang matitipuhang partner.

Ang Ehime Prefecture ay may lugar na gumamit ng AI upang matulungan ang mga tao na mahanap ang kanilang mga ideal na mapapakasalan.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund