Kasalukuyang namumukadkad ang mga Skunk Cabbage Flowers sa isang marshland sa Central Japan.
Ang Ozegahara ay naka-himlay sa mahigit 1,400 metro mula sa Oze National Park na sinasaklawan ng Gunma, Niigata, Fukushima at Tochigi Prefecture. Ito ay kilala dahil sa dami ng mga pananim na halaman.
Ilang opisyal ng isang foundation na nangangalaga sa lugar ang nag-sabi na ang mga bulaklak ay nag-simulang mamukadkad nito katapusan ng Mayo.
Na-eenjoy ng mga bisita ang pag-tanaw sa mga bulaklak at ang iba ay kumukuha pa ng litrato nito.
Isang ginang na mula pa sa Kanagawa Prefecture ang mag-sabi na siya ay na-impress sa kagandahan at sa sariwang hangin sa lugar. Ito ang kauna-unahan niyang pag-bisita rito.
Sinabi ng mga opisyal na taga-pangalaga rito, ang mga bulaklak ay patuloy na mamumukadkad hanggang kalagitnaan ng Hunyo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation