Si Pope Francis, bibisitahin ang Japan nitong Nobyembre

Bibisitahin ng Santo Papa ang bansang Japan ngayong darating na Nobyembre.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSi Pope Francis, bibisitahin ang Japan nitong Nobyembre

Ang Santo Papa na si Pope Francis ay naka-skedyul na bumisita ng 4 na araw sa Japan nitong Nobyembre. Ito ay ang kauna-unahang pag-bisita ng Santo Papa sa bansa mula nuong panahon ni dating Pope John Paul II nang ito ay bumisita nuong taong 1981.

Naka-schedule na dumating si Pope Francis sa Tokyo sa darating na ika-23 ng Nobyembre. Sa sunod na araw, bibisitahin miya naman ang Nagasaki at Hiroshima. Sa Nagasaki, si Pope Francis ay magdadasal sa Urakami Cathedral, na muling binuo matapos ito ay masira nang dahil pag-sabog ng atomic bomb sa lunsod nuong  1945. Sa Hiroshima, aalalahanin at ipagdarasal niya ang mga biktima sa pag-sabog ng Atomic Bomb sa Peace Memorial Museum.

Sa ika-25 ng Nobyembre, naka-schedule na makipag-kita ang Santo Papa kala Emperor Naruhito at Prime Minister Shinzo Abe sa Tokyo bago ito magsa-gawa ng misa sa Tokyo Dome.

Ang atensyon ay naka-tuon tungkol sa anti-nuclear na mensaheng ipararating ng Santo Papa sa mga lungsod na na-atomic bomb nuon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund