TOKYO
Ang Cannabis ay na-legalize sa ilang bahagi ng mundo. Ngunit ang chief executive ng Tokyo Olympics sa susunod na taon ay nagpapaalala sa mga potensyal na bisita ng Olympics na ang marijuana ay ilegal pa din sa batas ng Japan.
Sinabi ni Toshiro Muto ng Tokyo Olympic organizing committee sa isang news conference noong Martes na hindi bababa sa isang miyembro ng executive board ang nagdala ng isyu sa isang pulong.
“May mga bansa at ilang mga rehiyon sa buong mundo na lumuwag na pagdating sa restriction ng cannabis” sabi ni Muto, na nagsalita gamit ang interpreter. “Ngunit kailangan ipaalam sa lahat ng balak bumisita na ipinagbabawal pa din ito sa Japan.”
Ang Cannabis ay kabilang sa mga ipinagbabawal na sangkap na nakalista ng World Anti-Doping Agency para sa mga atleta sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.
Sinabi ni Muto na malakas ang Japan sa pagpapatupad ng panukalang anti-doping sa mga laro, na bukas sa susunod na Hulyo.
Japan Today
Join the Conversation