Nabalitaan ng NHK na balak payagan ng mga organizer ng Tokyo Olympics at Paralympics na gumamit ng mga inuming nasa plastik na bote ang mga manunuod sa venue bilang parte ng kanilang hakbang laban sa init.
Ang palaro ay magaganap sa kasagsagan ng kainitan ng panahon. Ang mga organizer ay gumagawa ng hakbang upang maiwasang dumanas ng heat stroke ang mga tao.
Nuong mga nakaraang Olympics at Paralympics, ipinag-bawal ang mga manunuod na mag-dala ng mga nasa plastik na boteng inumin sa loob ng venue bilang hakbang sa pag-iwas sa mga terorista.
Ngunit ayon sa mga sources na malapit sa organizing committee ng Tokyo games, plano nitong payagang maka-pasok na may dalang inumin na naka-lagay sa plastik na bote sa loob ng venue alinsunod sa ilang mga kondisyones.
Ayon pa sa mga sources, sinabi ng koponan na limitado lamang ang dami na maipapasok sa loob ng venue at hinihikayat ng mga ito na tikman ang laman ng inumin ng mga manunuod.
Sinabi ng mga opisyal ng committee na ang hakbang upang maiwasan ang heat stroke ay mahalaga dahil ang kondisyong ito maaaring mailagay ang buhay ng manunuod sa panganib.
Ang mga bisita ay maaaring makabili ng mga inumin sa opisyal na sponsor companies sa loob ng venue ngunit kakailanganin nilang pumila para maka-bili nito
Ang mga hakbang ng organizer ay isang paraan upang ma-siguradong manatiling hydrated ang mga manunuod.
Source: NHK World Japan
Image: Wikipedia
Join the Conversation