Namatay ang isang lalaking Nigerian sa isang detention center ng Japanese immigration ngayong linggong ito, sinabi ng isang opisyal noong Huwebes, matapos na mag hunger strike kasama ang isang aktibistang grupo upang iprotesta ang kanyang pagkaka-detain nang higit sa tatlong taon.
Iyon ang ika-15 na detainees na namatay mula pa noong 2006 sa isang sistema na malawak na pagbatikos sa mga pagpapalakad sa loob ng detention center pagdating sa medikal na pamantayan, pagsubaybay sa mga detaineez at kung paano tumugon ang mga bantay sa isang medikal na emerhensiya.
Ang lalaki, na nasa kanyang 40’s, ay namatay noong Lunes sa timog na lungsod ng Nagasaki matapos siyang mawalan ng malayan at dinala sa ospital, sabi ng isang opisyal ng detention center na tumangging magpakilala.
Hindi siya nagbigay ng dahilan ng kamatayan ng detainee.
Ang RINK, na isang pangkat na sumusuporta sa mga detainee’s sa sentro, ay nagsabi sa Reuters na ang Nigerian ay nasa hunger strike upang iprotesta ang kanyang mahabang pagka-detain.
May iba pang 27 na dayuhan ang nasa hunger strike sa isang sentro ng detensyon sa Ushiku, hilagang-silangan ng Tokyo, sinabi ng isang hiwalay na grupo na sumusuporta sa mga detenido sa pasilidad na iyon.
Ang ilan sa kanila ay hindi kumain sa loob ng 47 na araw, sabi ni Kimiko Tanaka, isang spokeswoman para sa grupo.
Sinabi niya na ang isang 23-taong-gulang na lalaking Iranian na humingi ng refugee status sa mahigit na dalawang taon na ang nakalilipas ay pumayat ng halos butot balat at gumagamit ng wheelchair.
Dalawang iba pang mga lalaki sa Ushiku ang naka-detain sa loob ng limang taon, sabi niya.
“Ang katotohanan ng mahabang pag detain sa tao na hindi makatarungan ay malinaw na isang paglabag sa karapatang pantao,” sabi ni Tanaka.
Kinumpirma ng isang opisyal sa pambansang ahensya ng imigrasyon na mayroong mga welgista sa sentro ng Ushiku, ngunit hindi nila sinabi kung ilang. Ang mga awtoridad ay nagkakaloob ng medikal assistance at sinisikap na hikayatin sila na kumain, idinagdag niya.
Ang imigrasyon ay isang lumalalang isyu sa bansang Japan, kung saan ang etniko at kultural na homogeneity ay malalim na nakaugat.
Ang Japan ay humawak ng halos 1,500 detainees noong Hunyo 2018, ayon sa pinakahuling data ng publiko, halos kalahati sa mga ito ay naka-detain ng higit sa anim na buwan.
Ang ilan sa 604 ay mga refugee seeker na tinanggihan ng gobyerno at ang iba ay sa iba’t ibang mga paglabag sa imigrasyon tulad ng pag-overstay ng visa.
Source: Asahi.com
Join the Conversation