Natagpuan ang bangka na nawala sa tsunami pagkaraan ng 8 taon

Bangkang inanod sa Tsunami, natagpuan matapos ang 8 taon

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang bangka sa pangingisda ang nawala nang nagkaroon ng Tsunami noong Marso 2011 na tumama sa hilagang-kanluran ng Japan ay natagpuan daan-daang kilometro ang layo.

Nakuha ng Coast Guard ang tumaob na bangka matapos makita ng isang nagpapatrolyang pulisya sa baybayin ng Kochi Prefecture sa western Japan noong Mayo 27.

Sinabi ng opisyal ng Coast Guard na ang numero ng rehistro ay makakapagsabi na ang may ari ay isang mangingisda sa Ishinomaki, Miyagi Prefecture.

Wala namang miyembro ng crew ng barko ang nawala noong nagkaroon ng Tsunami, 8 taon na ang nakaraan.

Naniniwala ang mga opisyal na ito ay inaanod lang sa dagat ng pasipiko. Ito ay nakalagay sa isang pier sa Kochi City sa ngayon.

Sinabi pa ng mga opisyal na ang makina nito ay nawawala at tatanungin ang may ari ng bangka kung nais nito na maibalik sa kanya o gawin na lang na scrap.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund