Narita Airport gagamit ng facial recognition sa check-in by year 2020

Sinabi ng NEC Corp noong Friday, na ang Narita airport ay gagamit ng artificial intelligence-powered facial recognition technology ng kumpanya upang mabawasan ang congestion by year 2020, sa inaasahang pagdami ng bilang ng mga travelers habang papalapit ang Tokyo Olympics.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspNarita Airport gagamit ng facial recognition sa check-in by year 2020
Photo: Narita Airport

Sinabi ng NEC Corp noong Friday, na ang Narita airport ay gagamit ng artificial intelligence-powered facial recognition technology ng kumpanya upang mabawasan ang congestion by year 2020, sa inaasahang pagdami ng bilang ng mga travelers habang papalapit ang Tokyo Olympics.

Sinabi ng Japanese electronics manufacturer na kung ang isang passenger ay nag-register ng kanyang mukha tuwing nasa check-in. Maaaring automatic na magpatuloy sa baggage drop-off, security check at boarding procedures na gamit ang systems ng gate at kiosks at automatic na ma-verify ang kanilang identity.

Samantala, kakailanganin pa din ng mga pasahero na ipakita ang kanilang passport at sumailalim sa immigration screening.

Ang paggamit ng automated check-in system ay ang pinaka-una sa Japan, kasunod ng implementation sa Hartsfield-Jackson Atlanta International Airport ng United States at Singapore’s Changi Airport, ayon sa isang NEC official.

Ang initiative ay isinagawa matapos na malaman na ang Tokyo ang magiging host ng Summer Olympics at Paralympics sa 2020, na magdadala ng pagtaas ng bilang ng foreign visitors sa Japan.

“Sa paggamit ng system na ito, mawawala na ang nakaka-abalang procedures bago ang boarding at ang mga pasahero ay matatamasa ang passengers stress-free na oras sa airport,” sabi ng Narita International Airport Corp Senior Vice President na si Tatsuya Hamada sa isang press conference sa Tokyo.

Dagdag pa ni Hamada na ang system ay gagamitin ng Japan Airlines at All Nippon Airways, at pinagiisipan pa din ang mga flights na isasama sa program.

Sinabi ni NEC Senior Vice President Yutaka Ukegawa, “Inaasahan namin na mas lalong mag-expand ang paggamit ng aming facial recognition technology sa mga duty-free shopping, sa pagbili ng mga rail passes o sa mga sitwasyong pang-emergency tulad ng, kapag ang isang pasahero ay sumama ang pakiramdam sa airport.”

Sa isang demonstration sa media sa loob ng NEC headquarters sa Tokyo noong Friday, isang babae ang nagcheck-in ng kanyang bagahe gamit ang kiosk na hindi na ipinakita ang kanyang passport at ticket at nakalagpas din patungong boarding gate na gamit ang facial recognition capabilities.

Ang NEC ay nag-provided ng facial recognition technologies sa loob ng 50 countries.

Ang mga specific procedures katulad sa immigration screening sa John F. Kennedy International Airport sa New York at customs inspection sa 14 airports sa Brazil ay isinasagawa sa tulong ng systems na ito.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund