Sinabi ng Health and Labor minister ng Japan na ang paglalagay ng sobrang pamimilit sa mga kababaihan na magsuot ng mga sapatos na may mataas na takong sa trabaho ay maaaring maging dahilan ng power harassament.
Nagsasalita si Takumi Nemoto sa isang komite ng Lower House noong Miyerkules, tatlong araw pagkatapos magsumite ang isang grupo ng petisyon na may halos 19,000 na pirma.
Ang kampanya ay pinangalanang #KuToo, pagkatapos ng #MeToo na kilusan laban sa sexual harassment, at nilayon upang ipahiwatig ang mga salitang Hapon para sa “sapatos” at “sakit.”
Sinabi ni Nemoto na tinanggap ng ministry ang petisyon, at sa palagay niya mahalaga na mapabuti ang kapaligiran ng pagtatrabaho para sa lahat ng mga empleyado upang sila ay maging komportable.
Sinabi rin niya na ang bawat lugar ng trabaho ay may sariling katangian, at ang mga kahilingan para sa mga kababaihan na magsuot ng mga sapatos na may mataas na takong ay dapat lamang gawin kung kinakailangan at sundin ang mga pamantayan na katanggap-tanggap ng lipunan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation