Mt. Fuji jelly ng pinakasikat na bundok ng Japan na katakam takam ang itsura.

Pwede ng i-take home ang Mt. Fuji jelly mula sa pinakasikat na bundok sa Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMt. Fuji jelly ng pinakasikat na bundok ng Japan na katakam takam ang itsura.

TOKYO

Bilang pinakamataas na bundok ng Japan, ang Mt Fuji ay nagsilbi bilang inspirasyon para sa lahat ng uri ng mga bagay, mula sa delikadong crafted na mga baso ng lata sa Starbucks mugs at kahit isang masuwerteng cake.

Ang tagagawa ng Japanese food at souvenir na pagkain na si Yamafuji ay nakagawa ng napakagandang jelly sa hugis ng sikat na bundok. Sa mga nilabas ng larawan, ang jelly ay tiyak nahuli ang malamig at ang preskong imahe ng Mt. Fuji.

Ang Mt Fuji jelly, o Fuji-san Jelly, na tinawag sa wikang Hapon, ay hindi lamang maganda tinganan  ang natatanging kulay asul, ito ay isang bagay na talagang may matibay na ugnayan sa Mt Fuji at Yamanashi Prefecture, isa sa mga prefecture na ang bundok ay matatagpuan at din kung saan ang Yamafuji kumpanya ay nakatayo.

Siyempre, ang jelly  ay may masarap na lasa, hanggang sa dulo ginamit ni Yamafuji ang  tubig mula sa ilalim ng Mt Fuji, kung saan nanggagaling ang tubig na may kalidad sa Japan upang magkaroon ang Jelly ng malinaw at pamatid uhaw na lasa. At dahil gusto nila ang jelly na maging isang tunay produkto  na gawa sa Yamanash, gumawa sila ng jelly sa loob ng Yamanashi Prefecture.

Ang Mt. Fuji jelly ay hindi lamang maganda na dessert, ito talagang nagbibigay ng totoong lasa ng Mt. Fuji dahil ito ay may kahalong tubii mula sa ilalim ng bundok.

Nagkomento si Yamafuji na ang bilang ng mga bisita sa Mt Fuji ay lumalaki taun-taon, nais nilang mag-alok ng isang bagong item ng souvenir na magiging “abot-kaya, madaling dalhin sa bahay at nakakaakit tingnan” na mukhang nagawa na nila na ito magtagumpay sa isang banda.

Makikita ang Fuji-san Jelly sa Michi-no-eki Fuji Yoshida at iba pang mga tindahan ng souvenir sa Mt Fuji area para sa 223 yen.

Hindi tulad ng masarap na mizu shingen mochi water cake, isa pang kakaibang katangian mula sa Yamanashi Prefecture, ang Mt Fuji jelly ay hindi mawawala sa loob ng 30 minuto, kaya maaari maiuwi sa bahay at matikman ng mga kamag anak o kaibgan na kung saan galing sa pinaka sikat na bundok sa Japan.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund