OSAKA — Ang mga aunties sa Osaka ay humahataw sa sayaw sa kanilang pinaka-bagong music video, kung saan kinanta nila ang, “Osaka Obachan animal fashion!” at “Do you want candy?” in English.
Ang isang “idol group” na tinatawag na Obachaaan, ay binubuo ng matatandang babae na nakatira sa Osaka, nag-release sila ng bagong rap-style song na tinatawag na “Oba Funk Osaka” noong Thursday, na inihanda upang i-perform sa Group of 20 major economies summit meeting na gaganapin sa Osaka sa katapusan ng buwan.
Ito ay ang ika-7 nilang kanta simula ng nabuo ang grupo noong 2012 na halos lahat ng kanta ay sa naka-English.
Sa pagkanta at pagsayaw ng “Come on, Osaka!” ang mga miyembro ng Obachaaan ay masiglang nagpe-perform upang ma-promote ang Osaka sa buong mundo. Sa pagkakataong ito, sila ay nakisama sa mga former members ng dance club ng Osaka Prefectural Tomioka High School sa Sakai, kung saan sumikat sila dahil sa magaling na stylized dancing, magarbong makeup at bonggang costumes.
Ang 15 na obachan at 11 na former dance club members ay nakasuot ng animal-print na damit at sumasayaw sa isang rap-style song habang ipinapakita ang mga kanji ng pangalan ng mga lugar na mahirap basahin tulad ng Kireuriwari at Hanaten, na parehong matatagouan sa city ng Osaka. Ang kanta ay nagpo-promote sa Osaka bilang “ang pinaka-interesting na lungsod sa buong mundo.”
Noong December last year, si Eiko Funai, 71, na siyang leader ng grupo ay mahilig kumanta at nagtatrabaho ng part time sa convenience store noong makilala niya si Akane, 26, na isang coach sa high school’s dance club.
Sa umpisa, ang mga Obachaaan ay nakisama sa mga former members ng dance club, at gumawa ng music video sa Shinsekai district ng Osaka kung saan nagperform sila ng napaka-energetic na dance performance na choreographed ni Akane.
Magho-hold sila ng admission-free na live performance ng bagong kanta sa Tsutenkaku Tower sa June 30.
“Gusto naming ipa-abot sa mundo na ang mga meddlesome Osaka aunties ay maaari nilang maging guide,” ayon kay Funai.
Ang bagong kanta ay available sa YouTube.
Credits@The Yomiuri Shimbun
Join the Conversation