TOKYO (Kyodo) — ayon sa forecast ng Japan Weather Agency nuong Linggo, makararanas ng malakas na pag-ulan ang iba’t-ibang lugar sa bansa sa mga parating pang mga araw. Ito ay dahil sa pumasok na sa Japanese archipelago ang panahon ng Tag-ulan.
Ang Japan Meteorological Agency ay nag-sabi na aasahan na mahigit 300 millimeters ang aasahang bubuhos sa northern part ng Kyushu, 180 mm naman sa ilang parte ng western Japan at 100 mm naman sa Central Tokai Region sa loob ng 24 oras mula ala-6:00 ng umaga sa Lunes.
Ang ilang mga lugar sa Eastern at Western Japan ay maaaring makaranas ng pag-kulog at pag-kidlat hanggang sa Miyerkules, ayon sa ahensya. Pina-aalalahanan ang lahat dahil ang kondisyon ng panahon ay naaaring mag-sanhi ng pag-baha at pag-guho ng lupa.
Ang mainit at maalinsangang hangin dala ng low pressure system ay maaaring maging sanhi ng pag-buhos ng torrential rain at malakas na hangin sa ilang mga lugar sa bansa, dagdag nito.
Source: The Mainichi
Image: Japan Meteorological Agency
Join the Conversation