Mahigit 12 katao ang nakumpirmang patay matapos ang lindol sa China

Intensity 6 na lindol sa Shichuan, China nag-iwan ng 12 kataong patay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMahigit 12 katao ang nakumpirmang patay matapos ang lindol sa China

Ilang pang malalakas na aftershocks ang humadlang sa mga rescuers sa probinsya ng Shichuan sa China kung saan magnitude 6 na lindol ang tumama nuong Lunes. At nasa 12 katao ang naitalang patay at mahigit 100 katao naman ang napinsala.

Isang kuha mula sa lokal na istasyon ng Tsina ang nagpa-kita ang naging pisala ng lungsod kinabukasan.

May mga ulat din ng pagka-wala ng kuryente matapos ang sunod-sunod na aftershock na may lakas na naitalang magnitude 5.

Ang inisyal na lindol ay tumama malapit sa lungsod ng Yibin at may ini-estimang may lalim na 16 kilometro.

Ang Secretary General ng pamahalaan ng Yibin na si Li Tinggin ay mag-sabi na nasira ng lindol ang ilang mga kabahayan, kalsada, kuryente at communication facilities.

Ang probinsya ng Shichuan ay kilala nilang isang lugar na prone sa lindol. Nuong taong 2008, isang malakas na lindol ang tumama rito na kumitil sa buhay ng mahigit 87,000 katao.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund