Ang pagawaan ng mga electronics na Sharp ay nagpa-plano na ilipat and produksyon ng personal computer mula Tsina sa Vietnam para sa shipment sa Estados Unidos. Ang naturang hakbang ay sanhi ng tumitinding alitan sa kalakalan ng Washington at Beijing.
Sinabi ng ilang sources sa NHK na ang Sharp ay nagpa-plano na pansamantalang ilipat ang PC production sa Taiwan bago ipalit ang manufacturing sa bagong planta sa Vietnam na inaasahan mag-simula sa Oktubre.
Ang Sharp ay kinu-konsidera rin ilipat ang produksyon ng multi-function office equipment na ipinapadala sa Estados Unidos mula Tsina sa Thailand.
Ang Mexico ay isinasaalang-alang din bilang bagong manufacturing base ng kumpanya para sa electronic blackboards na gumagamit ng likidong kristal na mga panel. Ngunit ang plano ng kumpanya ay kasalukuyang sinusuri, habang ang Pangulo ng US na si Donald Trump ay nagbabanta na ipatigil ang mga taripa sa Mexico.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation