TSU, Mie- isang 57 anyos na lalaki ang sinampahan ng kaso na dangerous driving nuong Martes matapos itong mag-maneho sa isang kalsada na may bilis na 146 kph at maka-patay ng apat na katao nang ito ay bumangga sa isang taxi sa Mie Prefecture.
Si Masahiro Suehiro, dating presidente ng isang software company, ay nag-maneho sa isang kalsada na ang speed limit ay 60 kph sa lungsod ng Tsu nuong December 29, nang bumangga ang kanyang kotse sa tagiliran ng isang Taxi na may sakay na 4 na pasahero. Nangyari ang insidente habang papalabas ng parking lot ng restaurant sa tabi ng daan ang taxi, ayon sa mga pulis.
Patay ang driver ng taxi at ang 3 nitong pasahero, habang malubhang pinsala naman ang tinamo ng ika-apat na pasahero at ni Suehiro. Inaresto si Suehiro nuong May 28, dahil sa suspicion of dangerous driving na nag-resulta sa pagka-matay at pinsala.
Umamin ang nasasakdal na siya ang dahilan ng aksidente, ngunit sinabi niya na hindi niya alam kung gaano kabilis ang takbo ng kanyang sasakyan nuong panahong iyon, ayon sa mga pulis.
Nuong Enero, isang video na nagpapa-kita sa mabilis na pag-papatakbo sa kotse ni Suehiro bago mangyari ang insidente ay nag-viral online.
Source: Japan Today
Image: Image Bank
Join the Conversation