Kikilalanin na ang pagsa-sama ng LGBT partnership sa Ibaraki ngayong Hulyo

LGBT partnership kikilalanin na sa Prepektura ng Ibaraki simula ngayong July 1.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Wikipedia

Pati ang maliliit na munisipalidad rin ay nag-launch ng parehong sistema para sa pagkilala sa pagsasama ng mga sexual minorities mula nang inumpisahan ito ng Shibuya sa Tokyo at Setagaya Ward nuong 2015. Ngunit ang Ibaraki ang magiging kauna-unahang mag- bigay ng sertipiko sa 47 na prepektura ng bansa.

“Ito ay usapang karapatang pan-tao, at kailangan natin ayusin ito upang maalis ang diskriminasyon at paninira.” sinabi ni Kazuhiko Oigawa, Gobernador ng Ibaraki, sa isang press conference.

Upang kilalanin, dapat mag-pasa ng iba pang requirements at bukod dito dapat ang mga aplikante ay nasa wastong edad (20 anyos) at naninirahan sa prepektura, ayon sa pamahalaan ng Ibaraki.

Ang sertipikong ito ay hindi man legal na magbubuklod sa dalawang indibiwal, ito ay maaaring magbigay ng pahintulot sa mga magkasintahan na maka-renta ng apartment ng prepektura o makapag-bigay ng pahintulot kapag kailangan maoperahan ang isa man sa kanila sa Ibaraki Central Hospital at iba pang mga sitwasyon na ang magkasintahan ay nahirapan harapin nuon.

Gumawa ng isang komprehensibong plano nuong Nobyembre upang  itataguyod ang daybersidad,  at nuong Marso nag-sulong ng ordinansang pag-babawal na apihin o i-discriminate ang kasarian ng isang indibiwal, ito ang ikalawang malaking usapin o kaso sa prepektura sa Japan matapos ang Tokyo.

Habang ang ilang miyembro ng namumunong Liberal Democratic Party, na siyang malaking factor sa kapulungan ng prepektura ay kampanteng ipinakilala ang partnership system. Gumawa ng hakbang ang pamahaan ng Ibaraki matapos ipakilala ang isang study group na sumusoporta sa LGBT. Ang grupong ito ang nag-himok kay Oigawa na ipakilala at isulong ang plano nitong buwan lamang.

Source: Japan Today

Image: Wikipedia

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund